Sa isang maliit na barangay ng Cupang naganap ang lahat lahat. Nagkaroon ng sariling kultura ang mga naninirahan dito. Naniniwala silang lahat na may “himala” sa kanilang barangay. At ang sabi ni Elsa, may birhen daw na nagpakita sakanya sa burol at siya ay ginamit na instrumento para makapagpagaling sa mga taong may sakit. Siya ay sinasamba talaga ng lahat. Pati mga team ng media pinupuntahan siya para i-dokyumentaryo ang mga kaganapan habang nang gagamot si Elsa. Madaming turista ang bumibisita sa barangay Cupang at naniniwala sa kakayahan ni Elsa. Nagsilbing “Elsa Shrine” ang bayan na ito. Ngunit ang “himalang” ito ay hindi permanente at ito’y unti-unting binawi ng may kapal. At bumalik sa normal ang bayan nila at nangamatay ang mga batang may sakit sa kadahilanan ng walang gamot.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento