Miyerkules, Enero 4, 2012

SEGUNDA MANO "an official entry of MMFF"


    Sina Kris at angelica ay magkapatid sa pelikulang ito. Sila ay magkapatid na nawaly ng matagal na panahon. Maganda yung twist kasi, mga baa pa lang sila nung nagkahiwalay dahil s aksidente sa “dagat”. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Sila’y muling pinagtagpo dahil sa iisang lalaki na pareho nila itong minahal. At ito ay walang iba kung hindi si Dingdong. Ang magkapatid ay pinagtagpo ng tadhana, sapagkat si Angelica ay palaging nagpapakita kay Kris, siya ay nagmumulto na parang may gusto ipahiwatig o sabihin. Nang dahil sa segunda mano na “bag at damit”, ito ay nagbigay ng malaking simbolo para mahanap ang katothanan. Nawala si angelica sa hindi malaman na kadahilanan. Si Kris ay may kaibgan, ito ay si Bangs, siya naman ay bumili ng segunda mano na sasakyan at ipinagmali niya agad it okay Kris. Ngunit si Kris ay nagulat at nagalit. Nagulat siya sapagkat, nakita niya sa “picture” ang sasakyang iyon sa bahy nina Dingdong.

            Doon nalaman ni Kris ang unti-unting kasagutan sa mga tanong kung na saan si Angelica. Dahil sa sasakyan na iyon, nakita niya ang mga  nangyari “flash back”. Namatay si Angelica sa sasakyn na iyon at ito ay pinatay ni Dingdong.  At si Dingdong ang “Killer” sa lahat ng mga taong namatay. Kaya pala nagmumulto si Angelica, gusto niya protektahan si Kris sa lahat ng bagay. Medyo bitin lang yung story, feeling ko may 2nd part pa sa next MMFF. Madami pa kasi katanungan sa pagkatao ni Angelica, tulad na lang kung paano siya nakaligtas sa dagat nung bata pa siya, at kung sino ang mga kumupkop sakanya. Kung kelan patay na si angelica at tsaka lang nalaman na siya ang bunsong kapatid ni Kris. At kaya pala palagi ito nagmumulto at nagpaparamdam para ma protektahan ang kanyang kapatid na si Kris.


HIMALA by Ishmael Bernal



Sa isang maliit na barangay ng Cupang naganap ang lahat lahat. Nagkaroon ng sariling kultura ang mga naninirahan dito. Naniniwala silang lahat na may “himala” sa kanilang barangay.  At ang sabi ni Elsa, may birhen daw na nagpakita sakanya sa burol at siya ay ginamit na instrumento para makapagpagaling sa mga taong may sakit. Siya ay sinasamba talaga ng lahat. Pati mga team ng media pinupuntahan siya para i-dokyumentaryo ang mga kaganapan habang nang gagamot si Elsa. Madaming turista ang bumibisita sa barangay Cupang at naniniwala sa kakayahan ni Elsa. Nagsilbing “Elsa Shrine” ang bayan na ito. Ngunit ang “himalang” ito ay hindi permanente at ito’y unti-unting binawi ng may kapal. At bumalik sa normal ang bayan nila at nangamatay ang mga batang may sakit sa kadahilanan ng walang gamot.